Tila nagpahiwatig si First Lady Liza Araneta-Marcos na mayroong tensyon sa pagitan nila ng kanyang hipag na si Senador Imee Marcos.
Sa panayam ng broadcaster na si Anthony Taberna sa kanyang YouTube Channel sa Unang Ginang, sinabi niya na huli silang nag-usap ng Senadora noong Disyembre pa.
Sa tanong kung bakit hindi ipinagtatanggol ni Sen. Imee ang kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi niya na ang Senadora ang dapat tanungin.
“You should ask her. I am just the outlaw. I know what line not to cross.” giit pa ni First Lady.
Natanong din kung maayos silang nag-uusap ni Imee, sagot ng Unang Ginang lagi niya itong iniimbita sa regular lunch ng kanilang pamilya tuwing Linggo.
Maging ang kanyang biyenan na si dating First Lady Imelda Marcos ay nagtanong sa kanya kung bakit hindi niya iniimbita si Imee sa kanilang lunch.
“Well, every Sunday, we have a family lunch. Once my mother-in-law said, ‘Hija, di mo iniimbita si Imee sa mga ano’. ‘Mom, ako pa? May group chat kami. Lahat sila nandiyan.’ Sabi niya, ‘Anong group chat?’ ‘Ah mommy…’ No, no. But she’s (Imee) always invited,” giit pa ni Liza.
Puna naman ng political analysts ang Senador ay nangunguna sa pagpuna sa mga pangunahing polisiya ni Pangulong Marcos.
Inayunan din ni Imee ang gentlemen’s agreement ni dating Pangulong Duterte sa China.