Umabot na sa ₱71.5 milyong halaga ng tulong ng pamahalaan ang naipamahagi na sa mga residente na lumikas dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Mayon Volcano.
Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes na kinuha rin sa naturang halaga ang ayuda at iba pang tulong katulad ng tubig, pagkain, assorted na tolda, hygiene kit at iba pa.
Nasa 10,146 pamilya na ang apektado sa patuloy na pag-aalburoto ng bulkan batay na rin sa datos ng NDRRMC nitong Hunyo 16.
Katumbas ng nasabing bilang ang 38,892 residente na mula sa 26 barangay sa Bicol Region.
Nasa 5,466 pamilya o 18,892 indibidwal ang kasalukuyang nasa 28 evacuation center habang ang iba ay nakatira muna sa mga kaanak.