Mahigit na sa 200 ang nasawi at halos 900 ang nasugatan sa salpukan ng tatlong tren sa Odisha, Eastern India nitong Biyernes.
“We have already counted 207 dead and the toll will still go up further,” pahayag ni Odisha Fire Services director-general Sudhanshu Sarangi, director general ng Odisha Fire Services.
“The rescue work is still going at the site and it will take us a few more hours to finish here,” aniya.
Kinumpirma naman ni Odisha chief secretary Pradeep Jena, nasa 850 ang nasugatan sa naganap na aksidente 200 kilometro mula sa Bhubaneswar na kabisera ng Odisha.
Sa pahayag naman ng executive director ng Indian Railways na si Amitabh Sharma, dalawa sa mga naturang tren ang nagsalpukan habang ang ikatlo na nakaparada lamang ay nadamay sa aksidente.
Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga nasawi, gayundin ang mga nasugatan dahil patuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operation.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng aksidente.