Trending ang Kapuso star na si Bea Alonzo sa Twitter dahil sa dalawang magkaibang topic at dahilan ngayong Sabado, Hunyo 3.
Una, kumpirmado na kasi na isa siya sa mga magiging hurado ng “Battle of the Judges,” pinakabagong spin-off ng “Got Talent” to be hosted by Alden Richards. Makakasama niya rito sina King of Talk Boy Abunda, dating Eat Bulaga host/comedian Jose Manalo, at GMA Senior Vice President Annette Gozon-Valdes.
Sumunod naman, lumabas na ang trailer ng pelikula niyang “1521” katambal si Danny Trejo at kasama pa ang ilang premyadong artista gaya ni Maricel Laxa-Pangilinan at iba pa.
Ang pelikulang ito ay historical-romance drama na ang setting ay taong 1521, panahon ng mga katutubo bago ang kolonyalismo ng mga Espanyol sa Pilipinas. Iikot ang istorya sa pag-iibigan ng karakter ni Bea na isang native princess, sa translator ni Ferdinand Magellan, ang nakatuklas ng Pilipinas.
Ang naturang pelikula ay nasa wikang Ingles, bagay na pinuna ng mga netizen, dahil sana raw, ginamit na lamang ang katutubong wika sa Pilipinas, at naglagay na lamang ng subtles.
Isa pa, tila hindi raw angkop sa feature ni Bea Alonzo ang pinoportray na karakter.
Wala raw kuwestyon sa pag-arte ni Bea, subalit lutang na lutang daw ang caucasian feature ni Bea sa pelikula at tila hindi raw angkop sa tipikal na hitsura ng mga katutubo noong pre-kolonyal.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.
“In the new world of subtitled films to capture the authenticity of the story, na-off ako sa English-speaking Filipinos.”
“Bea Alonzo is, undoubtedly, one of the best dramatic actresses of her generation. But her mestiza looks are incongruous with her role. And, she looks ‘old’ to be a ‘young princess’ here. Consequently, having English used by non-natives lessen the effectiveness of the story.”
“I want to like this but this doesn’t look great. It looks something out of a cultural presentation play.”
“Ummm, no. Bea as a native? No. English as the spoken language? No. That’s laziness. It would be more interesting to see how Spaniards communicated with the natives and how it affected the story. Castilian x Cebuano (with English subtitles): a lot of work but that’s respect.”
“Why did I think Bea Alonzo was gonna be among the Spanish conquistadors, not the ‘young native princess’ in question? Also… WHY make this movie at all?????”
“It’s a no, and Bea looks like a colonizer as well and doesn’t look like a Filipino representation. Keep up naman goshh.”
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pamunuan ng pelikula o maging si Bea Alonzo tungkol dito.