Alinsunod sa pagdiriwang ng 125th Philippine Independence Day, ang pakikipag sosyo ay inilunsad sa pamamagitan ng paglagda ng dalawang kumpanya na ginanap sa Pinoy Independence Day Festival noong Biyernes, June 2 sa Dana Mall, Bahrain – ang palitan ng lagda ay nangyari sa pagitan ni Ginoo Sethuraj Sucheendran Chairman, Star Vision WLL at Bb. Cristina Fulgencio, CEO ng Brand Sync Co. WLL
Ang proyekto ay ang pinakabagong pakikipagsapalaran ng Star Vision, na nagmamay-ari ng Star Vision News sa – English, Arabic at Malayalam na mga wika at ngayon ay nagpapalawak ng mga balita sa wikang Filipino.
Ang kauna-unahang balitang nakatuon sa komunidad sa Bahrain, Star Vision & Brand Syncbh ay naglalayon na bigyan ng importansya ang kahalagahan ng etikal at responsableng pag-unlad, paglikha, at pagbabahagi ng impormasyon maging ang pag papa tibay ng samahan pang komunidad sa bansa sa pamamagitan ng online media outlet na nagbibigay-kaalaman na mas madaling mapanood at mapakinggan.
“Ikinagagalak at ipininagmamalaki ng Star Vision na maging katuwang ang Filipino community sa Bahrain, naniniwala akong magbubukas ng mga pagkakataon at pagpapatibay ng maayos na ugnayan ng maraming komunidad dito sa Kaharian. Sa pamamagitan ng aming media platform , umaasa kaming makapagbigay inspirasyon, at magkaroon ng pagkakataong maglingkod sa mga komunidad sa bansa.” ani ni – Sethuraj Sucheendran, chairman ng Star Vision.
Ang Brand Syncbh, isang event at media company ay gagawa ng tatlong Filipino-oriented na programa na magpapalabas ng nagbabagang balita; BALITANG PINAS SA BH, Komunidad at pampublikong gawain: KABAYAN UPDATES, at Pamumuhay at Kultura; PINOY HITSBH.
Ang programa ay pinangungunahan ng ilang mga personalidad dito sa bansang Bahrain, katulad nina
Anette Avila, isang aktibong boluntaryo sa komunidad at Good Cause BH founder.
Bb. Zena Thirlwall, Influencer, model, at PR specialist. Ginoo Tanz Sta Ana Model and entrepreneur,
at Ginoong Richard Martinez, kinilala bilang male social media influencer ng 2022.
“Ang pangako ng Brand Syncbh ay gumawa ng mga palabas na lilikha ng magandang epekto sa pang-araw-araw na buhay ng komunidad, Hindi kami naririto para lamang mag-ingay, – narito kami upang gumawa ng makatwiran, makabuluhang balita at kaayaayang programa Sa pamamagitan ng programang ito, nakakapagbigay kami ng impormasyon sa mahigit 50,000 Filipinos na naninirahan sa Bahrain.
Ang programang ito ay isang kapakipakinabang para sa aming mga masisipag na Kabayan” dagdag ni Cristina Fulgencio – CEO, Brand Syncbh.
Mapapanood ang mga palabas na ito simula Hunyo 21, 2023, kung saan ihahayag ang pambansang balita ng Bahrain, mga pangyayari sa komunidad, balita mula sa Pilipinas at karagdagang mga kwento tungkol sa pamumuhay sa bansang Bahrain.