Bumaba ang headline inflation sa ikalimang magkakasunod na buwan sa 5.4% noong Hunyo 2023 mula sa 6.1% noong Mayo sa ilalim ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Noong Hunyo ng nakaraang taon, pumalo ang inflation sa 6.1%.
Ang June inflation rate ay nasa loob ng 5.3-6.1% forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at napirmi sa ibaba ng median na pagtatantya na 5.5% ng mga pribadong analyst.
“The sustained deceleration of inflation in June – the lowest in 13 months – suggests that the government’s efforts to tackle inflation are working. This indicates that we are on track to bring inflation back within the target range of 2 to 4 percent sometime in the fourth quarter of this year and below the lower limit of the target in the first quarter of 2024,” pahayag ni Finance Secretary Benjamin E. Diokno.
Ang patuloy na downtrend na ito ay dahil sa mas mabagal na pagtaas ng pagkain at mga inuming hindi alkohol, transportasyon, at pabahay, tubig, kuryente, gas at iba pang mga panggatong.
Ang mga pangunahing kontribyutor sa headline inflation para sa Hunyo ay ang pagkain at mga inuming hindi nakalalasing na nag-aambag ng 2.6 porsyentong puntos (ppt); pabahay, tubig, kuryente, gas at iba pang panggatong (1.2 ppt); at mga serbisyo sa restawran at tirahan (0.8 ppt).
Ang food inflation ay nag-ambag ng 2.3 ppt sa kabuuang inflation noong Hunyo 2023. Ang mga pangunahing nag-ambag sa food inflation ay mga gulay; isda; harina, tinapay at iba pang produktong panaderya; gatas, iba pang pang-araw-araw na produkto at itlog, at bigas.
Samantala, ang nangungunang nag-ambag sa non-food inflation ay food and beverage serving services, actual rentals, passenger transport services, at kuryente.
Ang core inflation, hindi kasama ang pabago-bagong presyo ng langis at food items ay bumaba rin sa 7.4% mula sa 7.7% noong Mayo.
Ang Inflation sa National Capital Region (NCR) ay bumagal din sa 5.6% mula sa 6.5% noong Mayo.
Sa mga lugar na nasa labas ng NCR, ang inflation ay naging stable sa 5.3% mula sa 6% sa mga nakalipas na buwan.
“Maraming trabaho ang naghihintay upang epektibong ibalik ang inflation sa target at matiyak ang matatag na presyo. Ang pangkat ng ekonomiya ay handang harapin ang mga darating na hamon at ibaba ang halaga ng pamumuhay, habang pinapaunlad ang isang matatag na kapaligirang pang-ekonomiya na nakakatulong sa paglago at katatagan ng macroeconomic,” dagdag ni Diokno.