Mismong si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ang naghayag na bago magtapos ang 2023, tanging ang Northern Samar ang huling bayan na mahahawakan ng New People’s Army dahil patataubin na ito ng Armed Forces of the Philippines(AFP).
Ang pahayag ay ginawa ni Marcos sa kanyang pagbisita sa Camp Sumoroy sa Catarman, Northern Samar kasabay ng pagbibigay puri sa 803rd Infantry Brigade (IBde) ng PA sa kanilang pagsisikap na malupig ang mga natitira pang ‘maliit’ na bilang ng NPA sa lugar.
Nabatid na ipinagmalaki ng PA ang kanilang ‘deadline’ para sa mga komunistang-teroristang NPA ay hanggang December 2023.
Giit ng PA, hindi na makapaghintay ang Pangulong Marcos upang muling dumalaw sa Northern Samar at ideklarang malaya na ito mula sa kuko ng CPP- NPA-NDF.
Dagdag pa ni Marcos, napakalaking papel ang ginampanan 803rd IBde sa pagkakabawas ng mga rebelde sa nasabing rehiyon na mula sa pagkakasuko ng 6,200 ng maging mga taga-suporta at personalidad sa CPP-NPA-NDF, ay nabuwag pa nito ang dalawang NPA guerilla fronts sa Northern Samar.
Sa kabila nito, may paalala si Marcos na hindi dapat na maging kampante ang gobyerno laban sa pakikipaglaban at pagbabantay sa mga mapagsamantala.
“You are still now in Northern Samar, on the front line. Kaya’t (So), do not let your guard down. Continue to do what you have been doing dahil (because), as I said, it has been successful, it has been effective and we can see that from the weakening of the enemy forces,” dagdag pa ni PBBM.