Bumaba sa 4.3 percent ang Jobless Pinoy sa bansa noong Mayo 2023.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ito na ang ikalawang pinaka- mababang rate na naitala sa bansa mula noong April 2005.
Ito rin ay mas mababa sa 4.5 percent jobless rate noong April ngayong tao.
Ang 4.3 percent jobless rate nitong nagdaang Mayo ay may kabuuang bilang na 2.17 milyong Pinoy na walang trabaho o mas mababa naman sa 2.26 milyon na walang trabaho noong Abril at mababa rin sa 2.93 milyon noong May 2022.
Ayon pa sa PSA, bumaba rin ang underemployment rate ng 11.7 percent noong Mayo mula sa 12.9 percent noong Abril.
Ang underemployed ay yaong mga Pinoy na may trabaho na pero naghahanap pa ng ibang trabaho.
Nanatili naman sa 28.1% ang self-employed Pinoy at pumalo naman sa 9.2% ang unpaid family workers.
Mas marami naman ang mga empleyado sa mga pribadong kumpanya na nasa 46.5%, sinundan ng mga empleyado sa gobyerno at mga government-controlled corporations na pumalo sa 8.8%.
Matatandaang nagtaas ng sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region ng P40 kada araw pero sinasabing kulang pa ito para punan ang pangangailangan sa estado ng pamumuhay sa Metro Manila.