Arestado ang isang construction worker na sinampahan ng kasong panggagahasa ng kanyang stepdaughter sa manhunt operation ng pulisya nitong Huwebes ng umaga, Hunyo 8, sa lungsod na ito.
Ang Tanauan City police, sa kanilang ulat kay Batangas police provincial director Police Col. Rainerio de Chavez, ay kinilala ang suspek na si Michael Siman, 39, residente ng Tanauan City.
Siya ay inaresto batay sa warrant of arrest para sa krimen ng panggagahasa na inisyu noong Mayo 30, ng Regional Trial Court, Branch 6, Tanauan City, na walang inirekomendang piyansa.
Siya ay naaresto dakong 10:50 a.m.
Ayon sa Batangas Provincial Police Office (BPPO), si Siman ang most wanted person sa regional level.
Kinasuhan siya ng kanyang stepdaughter na ginahasa umano niya noong Marso 20, sa Tanauan City.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Tanauan CPS ang suspek.
“The Batangas PNP will continue to carry out the operation and we will not stop until we catch the most wanted so that they can be held accountable to the law to give justice to the victims,” ani De Chavez.