Umabot na sa 2.5 kilometro ang ibinugang lava ng Mayon Volcano sa nakaraang 24 oras.
Sa monitoring period ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) simula 5:00 ng madaling araw ng Martes hanggang 5:00 ng madaling araw ng Miyerkules, nakapagtala rin sila ng dalawang pagyanig, 299 rockfall events at pitong dome-collapse pyroclastic density current (PDC) events.
Nasa 507 tonelada ng sulfur dioxide ang pinakawalan ng bulkan nitong Hunyo 20, bukod pa ang nakalalasong usok na umabot sa 800 metrong taas.
Hindi pa rin nawawala ang pamamaga ng bulkan dahil sa patuloy na pag-aalburoto nito.
Ipinaiiral din ang 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan na nasa ilalim pa rin ng alert level 3 status dahil sa nakaambang pagsabog nito.