Tiniyak ng Office of Civil Defense (OCD) na ipaprayoridad nila ang pagpapabuti ng river basin management at mga paraan upang maiwasan ang malawakang pagbabaha sa ilang lugar sa bansa.
Ayon kay OCD Administrator and Undersecretary Ariel Nepomuceno, hindi maikakaila na malaki ang problema ng bansa sa pagbaha kaya kailangan ang suporta mula sa iba’t ibang government agecies, local government units, the private sector, experts at maging ang publiko.
Sinabi ni Nepomuceno na kailangan na paigtingin at ipatupad ang mga long-term solutions.
Kabilang na dito ang pag-iinspeksiyon at paggawa ng bagong polisiya at plano para sa lahat ng pangunahing river basin sa bansa, ang mahigpit na pagbabawal sa illegal mining, pagpapabuti ng flood-control projects at implementasyon ng makabagong paraan at engineering interventions.
Dapat din aniyang mapanagot ang mga responsable sa mga pagbaha.
Samantala, patuloy ang emergency response operations ng OCD sa Davao Region matapos ang pananalasa ng shear line, northeast monsoon at low-pressure area (LPA).
Batay sa record, umaabot sa 129,466 pamilya, 17 insidente ng landslides at 50 pagbaha ang naitala sa naganap na mga pag-ulan.