Nakaramdam ng ilang pagyugyog ang ilang bahagi ng Luzon matapos tumama ang isang magnitude 4.8 na lindol malapit sa probinsya ng Zambales, ayon sa pinakahuling taya ng Phivolcs.
Bandang 3:16 p.m., Huwebes, nang maitala ng state seismologists ang epicenter ng earthquake 26 kilometro timogkankanluran ng munisipalidad ng Palauig.
Naramdaman naman ang Intensity III (weak) sa Quezon City kasunod ng lindol. Dama rin ang intrumental intensity III sa Botolan, Iba, Cabangan at San Marcelino sa Zambales.
Wala pa namang inaasahang pinsala at aftershocks o serye ng mas maliliit na mga lindol kaugnay ng pagyanig sa ngayon.
Hindi pa rin naglalabas ang Phivolcs ng anumang tsunami warning kaugnay ng naturang insidente, ito’y kahit na nangyari ito sa kalugaran ng katubigan.