Walang nakikitang problema si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpayag na ipalabas sa mga sinehan sa Pilipinas ang commercial release na pelikulang “Barbie”.
“Maganda raw eh, sabi nila,” sagot ng Pangulo.
Ginawa ni Macos ang pahayag matapos naging isyu ang paglalarawan ng isang mapa sa pelikula na nagpapakita ng umano’y pag-aangkin ng teritoryo ng China sa South China Sea sa pamamagitan ng tinatawag na nine-dash line.
“Siyempre, ‘yung sinasabi nila ‘yung kasama doon sa ‘yung boundary line na ginawa. Ang sagot ko doon, what do you expect? It’s a work of fiction,” sabi ng Pangulo.
Pinangunahan ni Pangulong Marcos nitong Biyernes ang inagurasyon ng Samar Pacific Coastal Road Project at pinangunahan din ang pamamahagi ng iba’t ibang tulong ng pamahalaan sa Northern Samar.
Inaprubahan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang paparating na pelikula ng Warner Bros na “Barbie,” na nagpapahintulot sa commercial release nito sa Pilipinas.
Nauna rito, ilang senador ang nanawagan na i-ban ang nasabing pelikula sa bansa.