Patuloy ang pagtaas ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon sa Bicol.
Ito ay makaraang iulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na sa nakalipas na 24 oras ay nagtala ang Mayon ng 248 volcanic earthquakes, 112 rockfall events at limang pyroclastic density current events.
Nagtala rin ang bulkan ng 124 volcanic tremor na tumatagal ng isa hanggang 18 minuto ang haba.
Naging mabagal naman ang pagdaloy ng lava mula sa bulkan na may habang 2.8 kilometro sa Mi-isi Gully, 3.4 kilometro sa Bonga Gully at 600 metro sa Basud Gully.
Umabot ng 4 kilometro ang pagguho ng lava mula sa crater at 1,602 tonelada ng asupre ang ibinuga nito.
Nagkaroon din ang Mayon ng katamtamang pagsingaw ng plume na napadpad sa may Silangan-hilagang-silangan.
Nanatili sa Alert Level 3 ang nasabing bulkan.