Walang alam ang mas nakararaming Pinoy tungkol sa usapin sa Maharlika Investment Fund sa bansa, base sa latest survey ng Social Weather Station (SWS).
Lumabas na 80 percent ang wala o halos walang alam habang 20% ang nagsabing may konti silang nalalaman tungkol sa Maharlika Wealth Fund.
Sa mga nagsabi na may sapat silang kaalaman, 5% ang sumagot na malawak ang kanilang kaalaman at 15% ang sinabi na sakto lang ang kanilang nalalaman.
May 51% rin ang nagsabi na konti o walang magiging pakinabang sa Pilipinas ang pondo habang 46% ang nagsabing may magiging pakinabang ang MIF.
May 31% naman ang naniniwalang ang pondo dito ay hindi mapupunta sa korapsyon, 38% undecided, at 29% ang may maliit na confidence.
Ang Metro Manila ang may pinakamataas na percentage na 29% na nagsabing sila ay partial pero may alam sa Maharlika Fund, Balance Luzon 24%, Visayas at Mindanao 10%.
Ang Maharlika fund ay may initial capital na P500 billion mula sa Central Bank, gaming revenues at 2 government-owned banks.
Ang survey ay ginawa noong March 26-29, 2023.
Sa ngayon ay nasa kamay na ni Pangulong Marcos Jr. ang pagiging batas o hindi ng MIF bill.