Tumaas ang bilang ng mga naitatalang aktibidad ng Bulkang Mayon sa Bicol sa nakalipas na 24 oras.
Sa latest monitoring ng Phivolcs, nagtala ang Mayon ng 39 volcanic earthquakes mula sa dating 5 volcanic earthquakes, 362 rockfall events na dati ay 361 rockfall events at nagluwa ng may 2,132 tonelada ng asupre mula sa dating 1,582 tonelada ng asupre na lumabas sa bulkan.
Nagtala rin ang bulkan ng limang pyroclastic density current events.
Naging mabagal naman ang pagdaloy ng lava mula sa bunganga ng bulkan na may haba na 2.8 kilometro sa Miisi Gully at 1.4 kilometro sa Bonga Gully at 4 km sa Basud Gully.
Natatakpan naman ng ulap ang bulkan kung kaya walang naitalang plume.
Nanatili sa Alert Level 3 ang bulkang Mayon.