Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na natagpuan na ang nawawalang Cessna 152 training aircraft (RP-C8958) naiulat na nawawala — pero ang sakay nitong piloto at estudyante, pinaghahanap pa rin.
Martes nang ipagbigay alam ng CAAP na biglang nawala ang Cessna plane matapos umalis sa Laoag International Airport bandang 12:16 p.m. kahapon. Nakataya itong lumapag sa Tuguegarao Airport at 3:16 p.m. noong araw na ‘yon ngunit hindi na nakarating pa.
“The Cessna 152 training aircraft (RP-C8958) that was reported missing yesterday, 1 August 2023, has been found by the search team at Brgy. Salvacion, Luna, Apayao today, 2 August 2023,” wika ni CAAP spokesperson Eric Apolonio ngayong Miyerkules.
“Search and retrieval operations are now ongoing to retrieve the bodies of the two persons on board the aircraft.”
Huling namataan ang RP-C8958 32 nautical miles hilagangkanluran ng Alcala, Cagayan bago ito maglaho.
Sakay ng naturang eroplano ang isang pilot instructor at student pilot at pupunta pa sana sa Cauayan Airport para sa isang “touch and go” activity bago magtungo sana sa Tuguegarao.
Una nang sinabi ng joint search and rescue operations na na-triangulate na ang possibleng crash site sa Alcala ngayong araw.
Ang Cessna 152 ay isang American two-seater, fixed-tricycle-gear, general aviation airplane at primaryang ginagamit para sa flight training at personal na gamit.