Subscribe to Updates

    Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.

    What's Hot

    Internet voting pinatitigil sa SC

    April 4, 2025

    3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China

    April 4, 2025

    Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS

    February 5, 2025
    Facebook Twitter Instagram
    Trending
    • Internet voting pinatitigil sa SC
    • 3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China
    • Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS
    • Mercado bagong PhilHealth Presidente.; Nerez itinalagang PDEA chief
    • VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
    • Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
    • PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
    • Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
    Facebook Twitter Instagram YouTube
    Starvision NewsStarvision News
    Subscribe
    Tuesday, May 13
    • HOME
    • WORLD
    • PHILIPPINES
    • BAHRAIN
    • GULF
    • Entertainment
    Starvision NewsStarvision News
    Home»BREAKING NEWS»Online classes sa panahon ng kalamidad, ‘di mandatory – DepEd
    BREAKING NEWS

    Online classes sa panahon ng kalamidad, ‘di mandatory – DepEd

    News DeskBy News DeskAugust 2, 2023Updated:August 2, 2023No Comments2 Mins Read
    Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    Share
    Facebook Twitter LinkedIn Pinterest Email

    Nilinaw kahapon ng Department of Education (DepEd) na ang pagdaraos ng online classes sa panahon ng kalamidad ay hindi mandatory.

    Ito’y matapos kondenahin ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang pahayag ni DepEd Spokesman Michael Poa sa isang post-SONA forum na tanging in person classes lamang ang suspendido sa panahon ng kalamidad, upang matiyak ang patuloy na pagkatuto ng mga ito.

    Ayon naman sa ACT, ‘unjust at insensitive’ ang naturang aksiyon para sa mga estudyante at maging sa mga guro.

    Kinuwestiyon ni ACT Chairperson Vladimer Quetua kung paano makapagdaraos ng online classes ang mga guro at mga estudyante kung masama ang panahon at binabaha sa kanilang mga lugar.

    Sa kanyang panig, nilinaw naman ni Poa na hindi naman ang ibig sabihin ng kanyang pahayag na kahit bumabaha na ay pinag-aaral pa rin ang mga bata.

    “Siyempre po ang priority natin ay ang kaligtasan nila (estudyante at mga guro). Sa ganoong mga pagkakataon na hindi naman malakas ang ulan pero nagsuspinde tayo ng in person classes, learning will continue through alternative delivery modes,” paliwanag ni Poa.

    Sinabi naman ni DepEd Assistant Secretary Francis Cesar Bringas na naniniwala siyang ang pahayag ni Poa ay hindi nangangahulugang mag-shift sa online classes kapag may sama ng panahon.

    “We should not take it as literal as kapag may cala­mity ay magkaklase pa rin. Of course, ang natural order niyan, is uunahin mo ang sarili mo and your survival, and when things are okay, that is the time that you conduct or the learners will take a look at their modules,” wika ni Bringas.

    Sa ilalim ng DepEd Order 37, otomatikong suspendido ang in-person at online classes mula sa kindergarten hanggang Grade 12, gayundin ang trabaho sa mga pampublikong paaralan sa lahat ng lugar sa panahon ng anumang public storm signal.

    Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    News Desk

    Related Posts

    Internet voting pinatitigil sa SC

    April 4, 2025

    3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China

    April 4, 2025

    Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS

    February 5, 2025
    Add A Comment

    Comments are closed.

    Editors Picks
    8.5

    Apple Planning Big Mac Redesign and Half-Sized Old Mac

    January 5, 2021

    Autonomous Driving Startup Attracts Chinese Investor

    January 5, 2021

    Onboard Cameras Allow Disabled Quadcopters to Fly

    January 5, 2021
    Top Reviews
    9.1

    Review: T-Mobile Winning 5G Race Around the World

    By cinideep
    8.9

    Samsung Galaxy S21 Ultra Review: the New King of Android Phones

    By cinideep
    8.9

    Xiaomi Mi 10: New Variant with Snapdragon 870 Review

    By cinideep
    Advertisement
    Star Vision
    Starvision News
    Facebook Instagram YouTube Twitter
    • Home
    © 2025 Star Vision. Designed by Star Vision Global.

    Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.