Pinaplano na ng Commission on Elections (Comelec) na maglunsad ng online voting para sa mga Pinoy sa ibang bansa sa idaraos na May 2025 elections.
Paliwanag ni Comelec chairperson George Garcia, hinimay na nila ang mga detalye ng plano at inihahanda na nila ang paglalaan ng budget para sa naturang hakbang.
Layunin ng hakbang na tumaas ang overseas voter turnout dahil kalahati lamang ng 1.6 milyong registered voters sa ibang bansa ang nakaboto sa nakaraang 2022 elections.
“If after the 2025 elections, we see that overseas voters patronized Internet voting and less have availed of the personal and postal voting, it is highly possible that the other two modes of voting will be phased out. If we can successfully implement Internet voting in the 2025 elections, it may eventually be the mode that will be left available,” anang opisyal.
Maliit din aniya ang magagastos ng gobyerno para sa implementasyon ng online voting. “As we go on, overseas voting will likely require less budget,” pagbibigay-diin pa ni Garcia.