Nasamsam ng Bulacan Provincial Police Office (BPPO) ang mahigit P1,000,000 halaga ng umano’y marijuana at naaresto ang limang nagbebenta ng droga at dalawampu’t dalawa pang lumabag nitong Sabado, Hunyo 10.
Sa ulat na isinumite kay Col. Relly B. Arnedo, Bulacan police director, City Drug Enforcement Unit ng Malolos Police, nakumpiska ang P1,000,000 halaga ng umano’y marijuana mula sa tatlong hinihinalang nagbebenta ng iligal na droga.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Maribeth Melendez, Raffy Magpali, at Arwin Jae Meneses. Nakuwelyuhan ang mga ito dakong alas-10 ng umaga noong Sabado, sa Brgy. Sumapang Matanda, City of Malolos, Bulacan.
Sa isa pang buy-bust operation na isinagawa ng Santa Maria police sa Brgy. Mag-asawang Sapa, arestado ang dalawang suspek na kinilalang sina Roberto Delos Santos Jr. at Jerome Cruz.
Nakumpiska kina Delos Santos at Cruz ang kabuuang 15 heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu.
Lahat ng naarestong suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, maraming inaresto ang Bocaue police sa kanilang pagsugpo sa ilegal na karera sa kalye.
Arestado ang 15 indibidwal, kabilang ang mga racers at bettors, habang nahuli sa akto ng motorcycle drag racing habang hindi nakasuot ng protective helmet at gumagamit ng modified muffler sa kahabaan ng Arena Road, Brgy. Bolacan, Bocaue, Bulacan bandang alas-3 ng madaling araw noong Sabado.
Lahat ng mga naarestong suspek ay sasampahan ng mga paglabag sa Presidential Decree 1602 na nagsasaad ng mas mahigpit na parusa sa iligal na sugal at Republic Act 4136 (Land Transportation and Traffic Code).
Sa kabilang banda, ang patuloy na manhunt operations ng Bulacan police ay nagbunga ng anim na wanted na felon na may warrant sa iba’t ibang paglabag, kabilang si Rhett Cabug-os, na inaresto ng Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) tracker team na may warrant of arrest para sa dalawang bilang ng panggagahasa sa kaugnay sa RA 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) na walang piyansa.
Nangako ang Bulacan police na patuloy na tutugisin ng mga tracker team at warrant officer nito ang mga indibidwal na may warrant of arrest na inisyu ng korte.