Umaabot na sa P33.57 milyong halaga ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga manggagawa na nawalan ng trabaho dahil sa pagbaha at intertropical convergence zone (ITCZ) sa Northern Mindanao sa ilalim ng Cash-for-Work program ng ahensiya.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Rommel Lopez, nasa 5,922 magsasaka ang nabigyan ng tig P5,670 na katumbas ng 14 araw na trabaho na may sweldo na P405 kada araw.
Sinabi ni Lopez na, pansamantalang trabaho ang alok ng DSWD habang naghihintay ang mga magsasaka na makarekober mula sa epekto ng pagbaha doon.
Tiniyak naman ni Lopez na patuloy ang cash-for-work payouts ng DSWD sa mga susunod na araw sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Northern Mindanao.