Pagkontrol sa inflation ang nag-iisang national concern na “urgent” para sa karamihan ng Pinoy ayon sa Pulse Asia — ito ngayong pinakamabilis sa buong Southeast Asia ang pagsirit ng presyo ng mga bilihin sa Pilipinas.
Ito ang ibinahagi ng survey firm ngayong Martes sa kalalabas lang nilang June 2023 Ulat ng Bayan survey pagdating sa “urgent national concerns” at performance rating ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“For 63% of the country’s adult population, controlling the increase in the prices of basic commodities is an issue that the national administration must address immediately,” wika ng Pulse Asia sa isang pahayag sa reporters.
“Second on the list is increasing workers’ pay (44%) while creating more jobs as well as reducing poverty are considered urgent by almost a third of Filipino adults (31% and 30%, respectively).”
Ang mga sumusunod ang nakikitang most urgent national concern ng mga Pilipino sa ngayon:
- pagkontrol sa inflation: 63%
- pagtaas ng sahod ng manggagawa: 44%
- paglikha ng mas maraming trabaho: 31%
- pagsugpo sa kahirapan: 30%
- paglaban sa katiwalian: 25%
- pantay pa pagpapatupad ng batas: 16%
- pagsugpo sa kagutuman: 16%
- pagtulong sa magsasakang magbenta ng produkto: 15%
- paglaban sa kriminalidad: 13%
- pagtaguyod ng kapayapaan: 11%
- pagsuporta sa maliliit na negosyante: 10%
- pagpapababa ng buwis: 7%
- paglaban sa pagkasira ng kalikasan: 7%
- pagtatanggol sa teritoryo laban sa dayuhan: 6%
- paghahanda laban sa terorismo: 4%
- pagtatanggol sa kapakanan ng OFWs: 4%
Maliit o halos wala itong pagbabago kumpara sa mga datos noong Hunyo 2023, lalo na pagdating sa isyu ng inflation at pagpapataas ng sahod ng manggagawa.
“Majority levels of concern regarding the need to control inflation are recorded in all
geographic areas and socio-economic classes (56% to 71% and 62% to 67%, respectively),” dagdag pa ng Pulse Asia.
“The only other majority urgent national concern in these same subgroupings is increasing workers’ pay (51% in Metro Manila).”