Magtutungo sa Malaysia si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Louise Araneta-Marcos sa Hulyo 25 o isang araw matapos ang kanyang ikalawang State of the Nation Address.
Ayon kay Foreign Affairs spokesman Teresita Daza sa pulong balitaan sa Malakanyang, inimbitahan nina King Sultan Abdullah at Prime Minister Anwar Ibrahim si Pangulong Marcos para sa isang state visit sa Hulyo 25 hanggang 27.
Magkakaroon ng audience ang Pangulo sa ika-16 na hari ng Malaysia. Matapos nito ay makikipagpulong ang Pangulo kay Prime Minister Ibrahim para talakayin pa ang pagpapalalim ng relasyon ng dalawang bansa.
Kabilang sa mga pag-uusapan ang tungkol sa agrikultura, turismo, food security, digital economy, people-to-people exchanges.
Makakasama ng Pangulo sa Malaysia ang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA), economic team at ilang malalaking negosyante sa bansa para mapalakas pa ang bilateral trade at investment.
Ayon pa kay Daza, hindi rin maiwasan na maaaring idiga ng Pangulo sa mga negosyante ang Maharlika Investment Fund (MIF) na nilagdaan kamakailan.
Ito na ang ika-14 foreign trips ni Marcos mula nang maupo sa puwesto.
Kabilang sa mga biyahe ng Pangulo ang dalawang beses na pagtungo sa Singapore, New York, Cambodia, Thailand, Belgium, Switzerland, Japan, Washhington, London at dalawang beses sa Indonesia.