Isang araw matapos ang State of the Nation Address (SONA), lumipad na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. patungong Malaysia para sa dalawang araw na state visit.
Dahil dito kaya itinalaga ni Marcos si Vice President Sara Duterte bilang caretaker ng bansa.
Ito ay habang nasa tatlong araw na state visit si Pangulong Marcos sa Malaysia mula Hulyo 25 hanggang 27.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, pangangasiwaan ni Duterte ang pamamahala sa gobyerno.
Inimbitahan ni Malaysian King Sultan Abdullah Sultan Ahmad Shah si Pangulong Marcos na bumisita sa kanilang bansa.
Kasama ni Pangulong Marcos na magtutungo sa Malaysia si First Lady Liza Marcos, ilang miyembro ng gabinete at mga negosyante.