Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang ₱5.768 trilyong national budget para sa 2024.
Ito ang isinapubliko ni Department of Budget and Management (DBM) Amenah Pangandaman nitong Biyernes at sinabing isinagawa ng Pangulo ang hakbang sa ginanap na pagpupulong ng mga miyembro ng Gabinete nitong Huwebes.
Sinabi ni Pangandaman na mataas ito ng 9.5 porsyento kumpara sa ₱5.268 trilyong budget ngayong taon.
Nakatuon aniya ang naturang badyet sa mga gastusin para pag-unlad ng ekonomiya ng bansa at pagbibigay-aksyon sa epekto ng inflation ng bansa.
“Guided by our Medium-Term Fiscal Framework, the proposed national budget will continue to prioritize expenditures outlined in the administration’s 8-Point Socioeconomic Agenda and cater to the objectives of PDP 2023-2028,” anang kalihim.
“It shall continue to reflect our commitment to pursue economic and social transformation to address the scarring effects of the pandemic, as well as the impact of inflation, by prioritizing shovel-ready investments in infrastructure projects, investments in human capital development, and sustainable agriculture and food security, among others,” dagdag ni Pangandaman.
Ang nasabing National Expenditure Program (NEP) para sa susunod na taon ay ipapadala sa Kongreso ilang linggo pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Marcos sa Hulyo 24.