Subscribe to Updates

    Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.

    What's Hot

    Internet voting pinatitigil sa SC

    April 4, 2025

    3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China

    April 4, 2025

    Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS

    February 5, 2025
    Facebook Twitter Instagram
    Trending
    • Internet voting pinatitigil sa SC
    • 3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China
    • Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS
    • Mercado bagong PhilHealth Presidente.; Nerez itinalagang PDEA chief
    • VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
    • Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
    • PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
    • Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
    Facebook Twitter Instagram YouTube
    Starvision NewsStarvision News
    Subscribe
    Saturday, May 10
    • HOME
    • WORLD
    • PHILIPPINES
    • BAHRAIN
    • GULF
    • Entertainment
    Starvision NewsStarvision News
    Home»BREAKING NEWS»‘Panunuhol’ sa PI walang ebidensiya
    BREAKING NEWS

    ‘Panunuhol’ sa PI walang ebidensiya

    News DeskBy News DeskFebruary 2, 2024Updated:February 2, 2024No Comments2 Mins Read
    Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    Share
    Facebook Twitter LinkedIn Pinterest Email

    Nanawagan si Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez na tigilan na ng Senado ang imbestigayon sa People’s Initiative matapos lumitaw sa ikalawang hearing nito na wala kahit isang testigo o ebidensya na tuwirang nagsabi na may suhulan o binayaran sa naganap sa pagkuha ng pirma.

    “Tulad ng unang hearing sa Maynila, lahat ng testigo sa Davao City ay nagsabi na wala rin silang tinanggap na pera kapalit ng kanilang pirma sa People’s Initiative,” ani Suarez.

    Umapela si Suarez sa Senado na ibaling na ang kanilang pansin sa talakayan at mabilisang pag-apruba ng Resolution on Both Houses na naglalayong amyendahan ang mga probisyong pang-ekonomiya sa Konstitusyon.

    “Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa Davao City, wala pa ring naipalabas ang komite ni Sen. Imee Marcos na testigo na magpapatunay na may suhulang nangyari. Lahat ng testigo, sinabing wala silang natanggap na pera. Malinaw na malinaw yun,” ani Suarez.

    Dagdag ni Suarez, nag-aaksaya lang ng panahon si Sen. Imee sa imbestigasyon. Mas makabubuting ibuhos niya ang atensyon at panahon ng Senado para sa mas makabuluhang bagay tulad ng diskusyon sa RHB No. 6 ni Senate President Juan Miguel Zubiri.

    “Mukhang ipinipilit na lamang ni Sen. Imee na may suhulan. Ang problema niya, kahit saan siya pumunta, kahit sino ang ipatawag nila, lahat nagsasabi na walang perang ibinigay sa kanila,” ani Suarez.

    Binigyang-diin ni ­Suarez ang kahalagahan para sa Senado na simulan sa susunod na linggo ang kanilang iminungkahing mga amyenda sa konstitusyon na naglalayong luwagan ang mga paghihigpit sa ekonomiya at akitin ang mas maraming dayuhang pamumuhunan.

    Binigyang-diin niya ang potensyal na mga benepisyo ng mga am­yendahang ito, kabilang ang paglikha ng trabaho, pagsulong ng teknolohiya, at pagtaas ng pandaigdigang kakayahan sa kompetisyon.

    Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    News Desk

    Related Posts

    Internet voting pinatitigil sa SC

    April 4, 2025

    3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China

    April 4, 2025

    Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS

    February 5, 2025
    Add A Comment

    Comments are closed.

    Editors Picks
    8.5

    Apple Planning Big Mac Redesign and Half-Sized Old Mac

    January 5, 2021

    Autonomous Driving Startup Attracts Chinese Investor

    January 5, 2021

    Onboard Cameras Allow Disabled Quadcopters to Fly

    January 5, 2021
    Top Reviews
    9.1

    Review: T-Mobile Winning 5G Race Around the World

    By cinideep
    8.9

    Samsung Galaxy S21 Ultra Review: the New King of Android Phones

    By cinideep
    8.9

    Xiaomi Mi 10: New Variant with Snapdragon 870 Review

    By cinideep
    Advertisement
    Star Vision
    Starvision News
    Facebook Instagram YouTube Twitter
    • Home
    © 2025 Star Vision. Designed by Star Vision Global.

    Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.