Subscribe to Updates

    Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.

    What's Hot

    Internet voting pinatitigil sa SC

    April 4, 2025

    3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China

    April 4, 2025

    Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS

    February 5, 2025
    Facebook Twitter Instagram
    Trending
    • Internet voting pinatitigil sa SC
    • 3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China
    • Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS
    • Mercado bagong PhilHealth Presidente.; Nerez itinalagang PDEA chief
    • VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
    • Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
    • PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
    • Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
    Facebook Twitter Instagram YouTube
    Starvision NewsStarvision News
    Subscribe
    Friday, July 18
    • HOME
    • WORLD
    • PHILIPPINES
    • BAHRAIN
    • GULF
    • Entertainment
    Starvision NewsStarvision News
    Home»PHILIPPINES»PBBM, hinikayat mga Cebuano na patuloy na tumulong gov’t sa nation-building
    PHILIPPINES

    PBBM, hinikayat mga Cebuano na patuloy na tumulong gov’t sa nation-building

    News DeskBy News DeskMay 28, 2023Updated:May 28, 2023No Comments2 Mins Read
    Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    Share
    Facebook Twitter LinkedIn Pinterest Email

    Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marco Jr. ang mga Cebuano na maging katuwang ng pambansang pamahalaan sa pagdating sa nation-building.

    Sa pagsasalita sa harap ng maraming tao sa Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV) sa Cebu City nitong Sabado, Mayo 27, sinabi niyang huwag silang mag-atubiling makipag-ugnayan sa kaniya kung sa tingin nila ay kailangan ang kaniyang interbensyon sa ilang mga isyu.

    Binigyang-diin din ni Marcos ang kahalagahan ng bawat indibidwal sa pagsusulong ng iba’t ibang pambansang agenda.

    “Nandiyan pa rin kayo at inaasahan namin kayo na you’re still our partners in all that we are doing in nation-building,” saad ni Marcos sa kanila.

    “We talked about nation-building before. That is still the same. It is still the same dream that we have. It is still the same dream that we fight for. It is still the same dream that we are continuing to dream,” dagdag niya.

    Sinabihan din ng Pangulo ang kaniyang mga tagasuporta na manatiling nagkakaisa lalo na umano ngayon na marami pang dapat gawin sa ilalim ng kaniyang termino.

    “Marami tayong kailangan gawin. Pagka mayroon kayo dito sa locality, kung meron kayong nakikita na kailangan ayusin, marami naman kayong contact dito sa amin, sabihan ninyo kami,” ani Marcos.

    “Para naman masabi natin pag nabalitaan ng national government na may problema ay may ginawa kaagad at makikita we are very responsive to the needs of our people,” dagdag niya.

    Nagtungo sa Cebu si Marcos para dumalo sa grand launch ng Pier 88 seaport project sa Liloan.

    Sa kaniyang pagbisita, sinamantala ng Pangulo ang pagkakataong makilala ang kaniyang mga tagasuporta at nagpasalamat sa kanila sa pagsuporta sa kaniyang presidential bid noong nakaraang taon. Tiniyak din niya na patuloy na susuportahan ng kaniyang administrasyon ang pag-unlad ng lalawigan, lalo na umano sa larangan ng agrikultura, enerhiya, at maliliit na negosyo.

    Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    News Desk

    Related Posts

    Internet voting pinatitigil sa SC

    April 4, 2025

    Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS

    February 5, 2025

    Mercado bagong PhilHealth Presidente.; Nerez itinalagang PDEA chief

    February 5, 2025
    Add A Comment

    Comments are closed.

    Editors Picks
    8.5

    Apple Planning Big Mac Redesign and Half-Sized Old Mac

    January 5, 2021

    Autonomous Driving Startup Attracts Chinese Investor

    January 5, 2021

    Onboard Cameras Allow Disabled Quadcopters to Fly

    January 5, 2021
    Top Reviews
    9.1

    Review: T-Mobile Winning 5G Race Around the World

    By cinideep
    8.9

    Samsung Galaxy S21 Ultra Review: the New King of Android Phones

    By cinideep
    8.9

    Xiaomi Mi 10: New Variant with Snapdragon 870 Review

    By cinideep
    Advertisement
    Star Vision
    Starvision News
    Facebook Instagram YouTube Twitter
    • Home
    © 2025 Star Vision. Designed by Star Vision Global.

    Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.