Subscribe to Updates

    Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.

    What's Hot

    Internet voting pinatitigil sa SC

    April 4, 2025

    3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China

    April 4, 2025

    Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS

    February 5, 2025
    Facebook Twitter Instagram
    Trending
    • Internet voting pinatitigil sa SC
    • 3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China
    • Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS
    • Mercado bagong PhilHealth Presidente.; Nerez itinalagang PDEA chief
    • VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
    • Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
    • PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
    • Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
    Facebook Twitter Instagram YouTube
    Starvision NewsStarvision News
    Subscribe
    Wednesday, July 2
    • HOME
    • WORLD
    • PHILIPPINES
    • BAHRAIN
    • GULF
    • Entertainment
    Starvision NewsStarvision News
    Home»BREAKING NEWS»PBBM, nais maalala bilang taong tumulong sa ordinaryong Pilipino
    BREAKING NEWS

    PBBM, nais maalala bilang taong tumulong sa ordinaryong Pilipino

    News DeskBy News DeskJune 4, 2023Updated:June 4, 2023No Comments2 Mins Read
    Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    Share
    Facebook Twitter LinkedIn Pinterest Email

    Isang taon pa lamang ang nakakaraan mula nang magtagumpay siya sa eleksyon noong 2022, ngunit may isang tiyak na sagot si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa legasiya na nais niyang iwan: ang maalala bilang taong tumulong sa mga ordinaryong Pilipino.

    Sinabi ito ni Marcos matapos niyang buksan ang Malacañang Heritage Tours, na nagpapakita sa buhay at legasiya ng mga namuno sa bansa.

    Sa kaniyang vlog, tinanong ang Pangulo tungkol sa kaniyang legasiya na gustong maalala sa kaniya ng mga Pilipino.

    “Kapag wala na ako, sana maalala ako na siya’y talagang tumulong sa pangkaraniwan na taong Pilipino,” ani Marcos.

    Gayunpaman, inamin ng Pangulo na hindi niya talaga ito iniisip dahil marami raw siyang kailangang gawin.

    “Hindi natin masyadong iniisip ‘yang legasiya na ‘yan. Sa dami ng kailangan nating gawin, trabaho lang muna,” aniya.

    “Pagka maganda naman ang ating magagawa, ‘yan ang magiging legasiya natin,” dagdag niya.

    Ayon kay Marcos, hindi siya nagtatrabaho para lamang maalala siya ng mga tao pagkatapos ng kaniyang termino.

    “Hindi naman dapat kailangang isipin, ginagawa ito para maalala ako– hindi,” aniya.

    “Ginagawa natin lahat para makabuti at makatulong sa taumbayan. ‘Yan ang ating mga legasiya.”

    Sa ilalim ng Malacañang Heritage Tours, nag-aalok ang Bahay Ugnayan Museum at Teus Mansion ng libreng guided tours mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon para sa mga bisitang nagpareserba.

    Itinatampok sa Bahay Ugnayan Museum ang naging daan ni Marcos sa pagkapangulo, katulad ng kaniyang naging pangangampanya sa pagkapangulo.

    Ang Teus Mansion, sa kabilang banda, ay nagpapakita ng mga memorabilia ng mga punong ehekutibo ng bansa. Naka-display sa loob ng museo ang mga kasuotan ng pangulo, footwear, watawat, at nililok na mga bust, bilang pagpupugay umano sa mga naging lider ng bansa. Naglalaan din ito ng isang sulok para sa mga larawan ng First Ladies.

    Bago ito, naglabas si Marcos ng Executive Order (EO) No. 26 noong nakaraang buwan, na lumilikha ng isang advisory board at management center upang pamahalaan ang Malacañang Heritage Mansions.

    Sa kaniyang EO, binanggit ng Pangulo ang pangangailangang panatilihin, pangalagaan, at gamitin ang mga ari-arian bilang pagkilala sa kanilang potensyal na isulong ang kasaysayan at kultura ng bansa.

    Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    News Desk

    Related Posts

    Internet voting pinatitigil sa SC

    April 4, 2025

    3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China

    April 4, 2025

    Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS

    February 5, 2025
    Add A Comment

    Comments are closed.

    Editors Picks
    8.5

    Apple Planning Big Mac Redesign and Half-Sized Old Mac

    January 5, 2021

    Autonomous Driving Startup Attracts Chinese Investor

    January 5, 2021

    Onboard Cameras Allow Disabled Quadcopters to Fly

    January 5, 2021
    Top Reviews
    9.1

    Review: T-Mobile Winning 5G Race Around the World

    By cinideep
    8.9

    Samsung Galaxy S21 Ultra Review: the New King of Android Phones

    By cinideep
    8.9

    Xiaomi Mi 10: New Variant with Snapdragon 870 Review

    By cinideep
    Advertisement
    Star Vision
    Starvision News
    Facebook Instagram YouTube Twitter
    • Home
    © 2025 Star Vision. Designed by Star Vision Global.

    Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.