Nangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes, Hunyo 12, na pangungunahan niya ang bansa sa pagharap sa mga hamon tungo sa isang daan ng pag-unlad para sa bawat Pilipino.
Pinangunahan ng Pangulo ang pagdiriwang ng bansa sa ika-125 anibersaryo ng proklamasyon ng kalayaan ng Pilipinas na may temang, “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.”
“Today’s celebration has taken a whole new different meaning, as we mark this occasion with renewed hopes and spirited resolve to rise anew as a nation, not from political oppression but from economic scarring engendered by the crippling and lingering effect of the pandemic,” ani Marcos sa kaniyang toast remarks sa ginanap na Vin d’honneur sa Malacañang na iniulat ng Presidential Communications Office (PCO).
“That is why, as a way to honor our forebears, it is my duty as President to keep this house in order, and steer the country to a high-growth path whose effect will be felt by each and every ordinary Juan dela Cruz,” dagdag niya.
Hinikayat din ng Pangulo ang mga Pilipino na tingnan ang kasaysayan habang tinatanaw ang pangako ng isang magandang kinabukasan.
“It is our shared responsibility to foster a society that upholds democracy, social justice, and inclusivity, so that every Filipino can flourish and contribute to our nation’s growth,” saad ni Marcos.
“From where our country stands now, we recognize that challenges will continue to test our mettle as a nation, but with unity and solidarity of the Filipino people, we can endure even another 125 years with our heads held high.”
Inaasahan din ni Marcos na ang bansa ay patuloy na magpapalakas ng ugnayan nito sa mga miyembro ng diplomatikong komunidad.
Ang Vin d’honneur ay isang opisyal na pagtanggap na pinangungunahan ng Pangulo ng Pilipinas sa Malacañang, na tradisyonal na ginaganap tuwing Araw ng Bagong Taon at Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Nagmula ang Vin d’honneur sa French practice, na nangangahulugang “wine of honor,” at nagaganap sa pagtatapos ng mga inagurasyon, mga talumpati at mga seremonya.