Siniguro ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Miyerkules, Mayo 31, na nakatuon ang pamahalaan na suportahan ang mga bagong Certified Public Accountants (CPAs).
Sa kaniyang social media post, shinare ni Marcos ang resulta ng nakaraang CPA licensure exams kung saan nakasaad dito na 30.36% o 2,239 sa 7,376 examinees ang pumasa.
“Congratulations to our new certified public accountants!
“May this feat inspire more of our countrymen to join this vital profession and make a significant impact on our workforce,” ani Marcos.
“Our government is committed to supporting you,” saad pa niya.
Isinagawa umano ang naturang licensure exam mula Mayo 21 hanggang Mayo 23 sa mga testing center sa NCR, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.