Subscribe to Updates

    Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.

    What's Hot

    Internet voting pinatitigil sa SC

    April 4, 2025

    3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China

    April 4, 2025

    Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS

    February 5, 2025
    Facebook Twitter Instagram
    Trending
    • Internet voting pinatitigil sa SC
    • 3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China
    • Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS
    • Mercado bagong PhilHealth Presidente.; Nerez itinalagang PDEA chief
    • VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
    • Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
    • PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
    • Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
    Facebook Twitter Instagram YouTube
    Starvision NewsStarvision News
    Subscribe
    Sunday, May 11
    • HOME
    • WORLD
    • PHILIPPINES
    • BAHRAIN
    • GULF
    • Entertainment
    Starvision NewsStarvision News
    Home»BREAKING NEWS»Pinakamababang inflation, naitala sa 3.9% noong December
    BREAKING NEWS

    Pinakamababang inflation, naitala sa 3.9% noong December

    News DeskBy News DeskJanuary 6, 2024Updated:January 6, 2024No Comments3 Mins Read
    Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    Share
    Facebook Twitter LinkedIn Pinterest Email

    Ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang naitalang pinakamababang antas ng inflation rate nitong Disyembre 2023.

    Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang inflation para sa Disyembre 2023 ay lalong bu­magal sa 3.9 porsyento mula sa 4.1 porsyento noong Nobyembre 2023, na nagdala sa buong taon na ave­rage na inflation rate sa 6.0 porsyento.

    “Natutuwa akong ibinalita na bumaba pa ang inflation rate sa bansa noong Disyembre 2023 sa 3.9 percent—ang pinakamababa noong nakaraang taon, mula sa 4.1 percent para sa Nobyembre 2023,” pahayag ni Pangulong Marcos sa isang social media posting.

    “Patuloy ang pagsusumikap ng pamahalaan para mapaganda ang kalagayan ng ating ekonomiya. Para sa bagong taon, lalo na nating palalakasin ang mga programa para sa agrikultura, at tinutukan ang mga hakbang upang mapanatiling abot-kaya ang presyo ng pagkain at iba pang pangunahing bilihin,” wika niya.

    Ang may malaking ambag sa pagbaba ng inflation ay ang kuryente (-7.8%), house rentals (3.6%) at LPG (3.7%).

    Iklawang nagpababa sa inflation ang food at non-alcoholic beverages na may 5.4%.

    Binigyang-diin ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan ang kahalagahan ng Executive Order No. 50, na nagpalawig sa Most Favored Nation (MFN) na pinababang tariff rates para sa mga pangunahing bilihin sa agrikultura tulad ng baboy, mais, at bigas upang matiyak ang sapat na suplay ng pagkain para sa mga Pilipino at maiwasan ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin na ito.

    Sinabi ni Balisacan, na namumuno sa NEDA, na sa gitna ng pagtaas ng presyo ng pandaigdigang bigas at ang inaasahang negatibong epekto ng El Niño pheno­menon, mahigpit na susubaybayan ng Interagency Committee on Inflation and Market Outlook ang sitwasyon at magmumungkahi ng karagdagang pansamantalang pagsasaayos ng taripa kung kinakailangan.

    Isusulong din ng ahensya ang mga hakbang sa pagpapadali sa kalakalan upang mabawasan ang iba pang mga hadlang na hindi taripa.

    Bagama’t nananatili ang aming medium-term na layunin na palakasin ang produktibidad ng agrikultura, mahalagang dagdagan ang domestic supply upang mapagaan ang inflationary pressure sa mga mamimili, partikular na ang mga nasa mababang kita na sambahayan, aniya.

    At sa banta ng mas mataas na inflation bilang resulta ng El Niño, binigyang-diin ng pinuno ng NEDA ang pangangailangang mapabilis ang buong pagpapatupad ng El Niño National Action Plan (NAP), na naglalayong pataasin ang katatagan ng mga komunidad laban sa tagtuyot at gabay ng mga ahensya ng gobyerno sa pag-iwas sa mga agarang epekto nito.

    Ang gobyerno, iginiit niya, ay dapat ding manati­ling mapagmatyag sa pagsubaybay sa presyo ng mga bilihin at patuloy na magpatupad ng mga estratehiya upang matugunan ang panandalian at pangmatagalang hamon na may kinalaman sa inflation.

    Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    News Desk

    Related Posts

    Internet voting pinatitigil sa SC

    April 4, 2025

    3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China

    April 4, 2025

    Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS

    February 5, 2025
    Add A Comment

    Comments are closed.

    Editors Picks
    8.5

    Apple Planning Big Mac Redesign and Half-Sized Old Mac

    January 5, 2021

    Autonomous Driving Startup Attracts Chinese Investor

    January 5, 2021

    Onboard Cameras Allow Disabled Quadcopters to Fly

    January 5, 2021
    Top Reviews
    9.1

    Review: T-Mobile Winning 5G Race Around the World

    By cinideep
    8.9

    Samsung Galaxy S21 Ultra Review: the New King of Android Phones

    By cinideep
    8.9

    Xiaomi Mi 10: New Variant with Snapdragon 870 Review

    By cinideep
    Advertisement
    Star Vision
    Starvision News
    Facebook Instagram YouTube Twitter
    • Home
    © 2025 Star Vision. Designed by Star Vision Global.

    Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.