Niinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi naghahanap ng gulo ang Pilipinas nang ipag-utos niya sa Philippine Coast Guard (PCG) na alisin ang boya o floating barrier na inilagay ng China sa Bajo de Masinloc.
Ito ang sinabi ni Marcos at iginiit na patuloy na dedepensahan at poprotektahan ng gobyerno ang teritoryo ng Pilipinas at karapatan ng mga Pinoy para makapangisda sa West Philippine Sea (WPS).
“Hindi tayo naghahanap ng gulo, basta gagawin natin, patuloy nating ipagtatanggol ang Pilipinas, ang maritime territory ng Pilipinas, ang mga, karapatan ng mga fishermen natin na mangisda doon sa mga areas kung saan sila nangingisda daang-daang taon na,” sinabi pa ng Pangulo.
Bilang patunay umano nang alisin ang mga boya, nasa 164 tonelada ng isda ang nahuli sa loob lamang ng isang araw.
Iginiit pa ni Marcos na patuloy ang pag-iwas natin sa gulo maging sa maiinit na salita subalit matibay ang ating pagdepensa sa teritoryo ng Pilipinas.
Matapos ang pag-alis ng PCG sa 300 meter na haba ng barrier sa Scarborough Shoal base na rin sa instruction ni Marcos, ay hinikayat naman ni Chinese Foreign Minister Wang Wenbin ang Pilipinas na huwag gumawa ng anumang hakbang para humanap ng gulo.