Bahagyang nadagdagan ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan.
Ayon sa June 2023 survey ng Social Weather Station (SWS), nasa 10.4% na mga pamilyang Pilipino ang nakararanas ng involuntary hunger sa nakalipas na tatlong buwan.
Mas mataas ito sa 9.8% hunger rate noong Marso ngunit mas mababa pa rin kumpara sa 11.8% noong Disyembre ng 2022 at 11.3% o 2.9 milyong pamilyang nagugutom na naitala noong Oktubre 2022.
Pinakamaraming nakaranas ng gutom ay mula sa mga pamilya sa Metro Manila na nasa 15.7%
Gayunman, bumaba naman ang hunger rate sa Mindanao sa 6.3% mula sa 11.7% noong Marso.
Isinagawa ang survey mula June 28-July 1 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 indibidwal na may edad 18 pataas.