Ibinida ng Philippine National Police Anti-Cyber Crime Group ang panibagong “milestone” sa pagsugpo sa banta ng cybercrime sa pamamagitan ng kaliwa’t kanang imbestigasyon, pag-aresto at pagsaklolo sa mga biktima.
Ito ang ibinahagi ng PNP-ACG sa isang pahayag nitong Huwebes pagdating sa 16,297 kasong tinutukan nito simula Enero hanggang Agosto 2023, lalo na’t lumalaki raw ang pagdepende ng mga Pilipino sa internet.
“These cybercrime incidents are not static; they evolve with technology. This year, cybercriminals have exploited emerging technologies like Non-Fungible Tokens (NFTs), cryptocurrencies, and online casinos to defraud unsuspecting victims,” ani PNP-ACG Director, Police Brig. Gen. Sidney S. Hernia.
“Online scams, in particular, have become the most prevalent type of cybercrime, reflecting the changing landscape of digital threats.”