Pumalag ang Philippine National Police (PNP) sa alegasyon ng isang opisyal ng Department of Justice (DOJ) na kaya mahirap dakpin si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag dahil sa koneksyon umano nito sa pulisya.
Paglilinaw ni PNP chief information officer Brig. Gen. Redrico Maranan, hindi naging miyembro ng pulisya si Bantag salungat sa pahayag ni DOJ spokesperson Mico Clavano.
“The Philippine National Police would like to clarify that Mr. Gerald Bantag has never been a member of the Philippine National Police, based on record, he used to be a Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) officer before his appointment in Bureau of Corrections,” ani Maranan.
Aniya, pinili ni Bantag na maging miyembro ng BJMP kahit nagtapos sa PNP Academy noong 1996.
Bukod sa PNP, may mga opsyon din ang mga nagtapos sa PNPA na maging miyembro ng BJMP at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Paliwanag ni Maranan, nakatuon pa rin sila sa kanilang trabaho na ipatupad ang batas, kabilang na ang pag-aresto sa mga nagtatago sa batas.
Kamakailan, nag-alok ang DOJ ng P2 milyon at P1 milyon para sa ikaaaresto nina Bantag at dating BuCor deputy Ricardo Zulueta, ayon sa pagkakasunod.
“We want to emphasize that irrespective of one’s rank, stature, or source of commissionship of any officer; the PNP will arrest any individual who has violated the law. The achievements of our police tracker teams exemplify our record in arresting wanted persons,” sabi pa ng tagapagsalita ng PNP.