Tatanggap na muli ng mahigit 6,000 pulis ang Philippine National Police (PNP) alinsunod sa kanilang quota sa ilalim ng PNP 2023 Recruitment Program.
Nabatid na aprubado na ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang pag-recruit ng mga bagong pulis. Nangangailangan ang PNP ng 6,501 na bagong pulis.
Sa hanay ng NCRPO, kailangan nito ng 2,101 na bagong pulis, 600 naman sa Provincial Regional Office 3(PRO3) at 400 sa Region 4A.
Para sa mga nais mag-apply na maging pulis, ilan sa mga requirements ay ang pagkakaroon ng college degree at eligibility kabilang na ang PNP Entrance Examination (NAPOLCOM); Career Service Professional (Civil Service Commission);R.A. No. 1080 (Bar and Board Examination); R.A. No. 6506 (Licensed Criminologist); P.D. 907 (Civil Service Eligibility to College Honor Graduate) at Police Officer Exam (Civil Service Commission).
Kailangan ding may taas na 1.57 metro ang mga lalaki at 1.52 metro ang mga babae at nasa 21-30 taong gulang at may good moral character.