Naghain ng patung-patong na reklamo ang ilang deboto ng Itim na Nazareno laban sa drag queen na si Pura Luka Vega dahil pa rin sa kontrobersyal niyang performance ng “Ama Namin.”
Huwebes nang ihain ng Hijos Del Nazareno (HDN) Central ang 9 na pahinang reklamo tungkol sa paglabag diumano ng nabanggit sa Article 201 ng Revised Penal Code at Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 sa Manila Prosecutor’s Office,
Tumutukoy ang Article 201 ng RPC sa “immoral doctrines, obscene publications and exhibitions, and indecent shows.”
“Pura Luka Vega’s acts and actuations constitute a direct attack on our Lord, our God and savior, Jesus Christ,” banggit ng grupo sa reklamo.
“His acts cut painfully deep right into the core of our faith and belief, painfully wounding us spiritually, morally, and mentally.”
Buwan na ang nakalipas nang mag-viral ang performance kung saan makikitang nagsayaw sa saliw ng punk rock rendition ng religious anthem na “Ama Namin” ang drag queen.
Nabastusan ang ilan dito dahil sa pagko-cosplay niya bilang si Hesu Kristo habang tila pinaglalaruan pa at niyuyugog ang suot na korona.
Kasama sa mga inireklamo ang may-ari ng establisyamento kung saan nangyari ang performance kabilang ang mga sumama sa kanya bilang co-performer.
“Pura Luka Vega’s acts and actuations constitute a direct attack on our Lord, our God and savior, Jesus Christ,” dagdag pa ng grupo.
“His acts cut painfully deep right into the core of our faith and belief, painfully wounding us spiritually, morally, and mentally.”