Nasa 60.75% na ang rehistradong SIM cards sa bansa, sa ilalim ng SIM Registration Act.
Sa datos ng National Telecommunications Commission (NTC), mula Disyembre 27, 2022 hanggang Hulyo 6, 2023, nasa 102,062,372 na ang nairehistrong SIM cards o 60.75% ng kabuuang 168,016,400 SIM na naipagbili sa bansa.
Pinakamaraming nairehistro ang Smart na nasa 48,255,741 na o 72.78% ng kanilang kabuuang 66,304,761 subscribers.
Sumunod ang Globe, 46,655,389 o 53.78% ng kanilang kabuuang 86,746,672 subscribers.
Nasa 7,151,242 naman o 47.79% ng kanilang total subscribers na nasa 14,964,967 ang nairehistro na ng DITO Telecommunity.
Muling pinaalalahanan ng NTC at ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang publiko na irehistro na ang kanilang SIM cards upang makaiwas sa deactivation at abala.
Ang pinal na deadline ng SIM registration ay sa Hulyo 25, 2023.