Dumating na sa Albay ang walong truck ng relief goods na donasyon ng China para sa mga residenteng inilikas sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Ang relief goods ay nai-turnover ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol Director Norman Laurio kay Albay Governor Edcel Lagman sa Provincial Capitol nitong Lunes, Hunyo 19.
Dahil dito, pinasalamatan ni Lagman sina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., DSWD Secretary Rex Gatchalian, Undersecretary Diana Rose Cajipe, at Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Tiniyak naman ni Lagman na pakikinabangan ng mga evacuee ang nasabing donasyon.
Kamakailan, inilikas ng gobyerno ang libu-libong residente mula sa 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog nito.