Maiiwasan umano ang shortage ng skilled workers tulad ng welders at electrician kung itataas ang kanilang mga sahod dito sa bansa.
Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri na karamihan sa mga magagaling na skilled workers ay nasa gitnang silangan gaya ng Saudi Arabia.
Ginawa ni Zubiri ang pahayag sa budget brieing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC), kasabay ng panawan na itaas na sa P150 ang minimum wage na malaking tulong sa mga skilled workers sa bansa.
Ito rin ang tugon ng senador sa pahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na kulang na sa skilled workers ang bansa kaya napipiltan silang mag-hire ng Chinese workers. Giit ni Zubiri, kaya nagkakaroon ng shortage ng skilled workers dahil hindi nila nararamdaman na mabubuhay sila sa kanilang sweldo dito sa Pilipinas kaya kawawa ang ating mga kababayan.
Nagtaas naman umano ng P40 ang minimum wage ng mga manggagawa dito sa Metro Manila kaya umabot na ito sa P610 kada araw subalit ang buong bansa ay nanatili pa rin sa dati.
Bagamat kinikilala ama ni Zubiri ang concern ni Diokno na ang pagtataas sa minimum wage ay magkakaroon ng adverse effect sa inflation, maaari naman umanong mag-focus sa effort para mapababa ang halaga ng enerhiya at mga pagkain.