Subscribe to Updates

    Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.

    What's Hot

    Internet voting pinatitigil sa SC

    April 4, 2025

    3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China

    April 4, 2025

    Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS

    February 5, 2025
    Facebook Twitter Instagram
    Trending
    • Internet voting pinatitigil sa SC
    • 3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China
    • Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS
    • Mercado bagong PhilHealth Presidente.; Nerez itinalagang PDEA chief
    • VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
    • Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
    • PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
    • Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
    Facebook Twitter Instagram YouTube
    Starvision NewsStarvision News
    Subscribe
    Thursday, May 8
    • HOME
    • WORLD
    • PHILIPPINES
    • BAHRAIN
    • GULF
    • Entertainment
    Starvision NewsStarvision News
    Home»BREAKING NEWS»Smallpox vaccine, gagamitin vs Mpox
    BREAKING NEWS

    Smallpox vaccine, gagamitin vs Mpox

    News DeskBy News DeskAugust 23, 2024Updated:August 23, 2024No Comments2 Mins Read
    Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    Share
    Facebook Twitter LinkedIn Pinterest Email

    Gagamitin umano ng Department of Health (DOH) ang smallpox vaccine bilang proteksiyon laban sa Mpox.

    Kinumpirma ni Health Assistant Secretary at Spokesperson Albert Domingo na nagpaabot na ang DOH ng intensiyon sa World Health Organization (WHO) na mabigyan ang Pilipinas ng access sa smallpox vaccines upang magamit na proteksiyon laban sa Mpox.

    Ayon kay Domingo, base kasi sa scientific findings ang smallpox vaccines ay nakapagbibigay ng cross-protection laban sa Mpox.

    Gayunman, wala pa aniyang suplay ng natu­rang bakuna sa Pilipinas.

    Ani Domingo, inuuna muna kasing mabigyan ng mga naturang bakuna ang mga bansa sa Africa, kung saan nagkakaroon ng krisis sa ngayon dahil sa hawahan ng Mpox.

    Ayon pa sa DOH, ang virus na tumama sa ika-10 kaso ng Mpox na naitala sa bansa ay ang mas mild na ‘MPXV Clade II.’

    Ito ay base sa isinagawang sequencing ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa monkeypox virus (MPXV) deoxyribonucleic acid (DNA) sample na nakolekta sa pasyente.

    Ayon sa DOH, ang Mpox na dulot ng monkeypox virus (MPXV) species ng Orthopoxvirus genus, na unang nadiskubre sa mga laboratory primates sa Denmark noong 1958 at malaunan ay naobserbahan sa mga tao noong 1970. Pinalitan umano ang pangalan ng sakit ngunit hindi ang virus nito.

    Mayroong dalawang major group ang MPXV, na tinatawag na “clades” o Clade I at Clade II, kung saan ang Clade II ang mas mild.

    Una nang kinumpirma ng DOH na naitala na nila noong Agosto 18 ang unang kaso ng Mpox sa bansa ngayong taon.

    Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    News Desk

    Related Posts

    Internet voting pinatitigil sa SC

    April 4, 2025

    3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China

    April 4, 2025

    Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS

    February 5, 2025
    Add A Comment

    Comments are closed.

    Editors Picks
    8.5

    Apple Planning Big Mac Redesign and Half-Sized Old Mac

    January 5, 2021

    Autonomous Driving Startup Attracts Chinese Investor

    January 5, 2021

    Onboard Cameras Allow Disabled Quadcopters to Fly

    January 5, 2021
    Top Reviews
    9.1

    Review: T-Mobile Winning 5G Race Around the World

    By cinideep
    8.9

    Samsung Galaxy S21 Ultra Review: the New King of Android Phones

    By cinideep
    8.9

    Xiaomi Mi 10: New Variant with Snapdragon 870 Review

    By cinideep
    Advertisement
    Star Vision
    Starvision News
    Facebook Instagram YouTube Twitter
    • Home
    © 2025 Star Vision. Designed by Star Vision Global.

    Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.