Maaaring bumisita sa Maynila si South Korean President Yoon Suk Yeol ngayong taon o sa unang bahagi ng susunod na taon, ayon sa bagong South Korean Ambassador to the Philippines na si Lee Sang-Hwa.
Ayon sa Malacañang, ipinarating kahapon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng bagong ambassador ang posibleng pagbisita ng SoKor President.
Nakatakdang magdiwang ang Pilipinas at South Korea ng ika-75 anibersaryo ng kanilang diplomatikong relasyon sa susunod na taon.
Sinabi rin ni Lee sa Pangulo na ang South Korean National Assembly Speaker Kin Jin-Pyo at ang South Korean Foreign Minister ay bibisita sa bansa ngayong taon upang higit na palakasin ang relasyon ng dalawang bansa.
Inulit din ni Lee ang pangako ng South Korea sa Pilipinas sa pakikipagtulungan sa larangan ng enerhiya, at idinagdag na ang kanyang bansa ay interesado sa pagbuo ng enerhiya ng Bataan Nuclear Power Plant.