Subscribe to Updates

    Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.

    What's Hot

    Internet voting pinatitigil sa SC

    April 4, 2025

    3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China

    April 4, 2025

    Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS

    February 5, 2025
    Facebook Twitter Instagram
    Trending
    • Internet voting pinatitigil sa SC
    • 3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China
    • Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS
    • Mercado bagong PhilHealth Presidente.; Nerez itinalagang PDEA chief
    • VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
    • Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
    • PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
    • Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
    Facebook Twitter Instagram YouTube
    Starvision NewsStarvision News
    Subscribe
    Tuesday, May 13
    • HOME
    • WORLD
    • PHILIPPINES
    • BAHRAIN
    • GULF
    • Entertainment
    Starvision NewsStarvision News
    Home»BREAKING NEWS»Suplay ng bigas sapat, buffer stock hanggang 39 days – DA
    BREAKING NEWS

    Suplay ng bigas sapat, buffer stock hanggang 39 days – DA

    News DeskBy News DeskAugust 2, 2023Updated:August 2, 2023No Comments2 Mins Read
    Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    Share
    Facebook Twitter LinkedIn Pinterest Email

    Nananatiling maaasahan ang supply at demand ng bigas sa Pilipinas sa kabila ng nagbabadyang epekto ng maraming mga kadahilanan kabilang ang desisyon ng Russia na umatras mula sa Black Sea Grain Initiative, ang desisyon ng India na ipagbawal ang pag-export ng bigas, at ang El Niño phenomenon.

    “As of today, we are looking at, you know, sound pa rin naman iyong supply and demand natin,” ayon kay Department of Agriculture Undersecretary Mercedita Sombilla sa isang press briefing sa Malacañang nitong Martes.

    Sa kabila ng positibong ulat, sinabi ni Sombilla na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na siya ring Kalihim ng DA, ay nagpahayag ng pagkabahala sa posibleng epekto ng tatlong pangunahing pandaigdigang isyu sa sektor ng agrikultura ng Pilipinas.

    Sinabi ni Sombilla na kailangan nilang pag-usa­pan ang mga paraan upang mapagaan ang karagdagang epekto ng tatlong pandaigdigang isyu “na lumalawak na ngayon” habang binig­yang-diin niya na handa ang DA na pataasin ang produksyon ng bigas sa Pilipinas.

    “Naghahanda na kami. ‘Yung production hanggang second quarter, meron tayong parang 39 days na stocks tapos tuloy. Nag-preposition na ang DA ng mga paraan kung saan mapapalaki natin ang produksyon,” sabi ni Sombilla.

    “Ang pinakamalaking produksyon ng bigas ay darating pa rin minsan, kung hindi katapusan ng Setyembre, minsan sa Oktubre. So dagdagan natin ang ating supply, at siyempre, ang usual na supply na makukuha rin natin sa imports,” dagdag nito.

    Binigyang-diin din ni Sombilla na ang presyo ng bigas sa merkado ay maaaring maiugnay sa mga epekto ng pagtaas ng presyo ng pataba at halaga ng gasolina, na pabago-bago pa rin pa­ngunahin dahil sa Black Sea Grain Initiative.

    Bagama’t may mga hindi matatag na paggalaw sa Black Sea Grain Initiative, binigyang-diin ni Sombilla na magdudulot ito ng “very minimal effect” sa merkado ng Pilipinas katulad ng epekto sa desisyon ng India na ipagbawal ang pag-export ng bigas.

    Binigyang-diin niya, gayunpaman, na maaa­ring lumitaw ang isang problema depende sa kung paano tutugon ang ibang mga bansang nag-e-export sa mga pandaigdigang kaganapan, ngunit mahigpit na sinusubaybayan ng DA.

    Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    News Desk

    Related Posts

    Internet voting pinatitigil sa SC

    April 4, 2025

    3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China

    April 4, 2025

    Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS

    February 5, 2025
    Add A Comment

    Comments are closed.

    Editors Picks
    8.5

    Apple Planning Big Mac Redesign and Half-Sized Old Mac

    January 5, 2021

    Autonomous Driving Startup Attracts Chinese Investor

    January 5, 2021

    Onboard Cameras Allow Disabled Quadcopters to Fly

    January 5, 2021
    Top Reviews
    9.1

    Review: T-Mobile Winning 5G Race Around the World

    By cinideep
    8.9

    Samsung Galaxy S21 Ultra Review: the New King of Android Phones

    By cinideep
    8.9

    Xiaomi Mi 10: New Variant with Snapdragon 870 Review

    By cinideep
    Advertisement
    Star Vision
    Starvision News
    Facebook Instagram YouTube Twitter
    • Home
    © 2025 Star Vision. Designed by Star Vision Global.

    Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.