Subscribe to Updates

    Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.

    What's Hot

    Internet voting pinatitigil sa SC

    April 4, 2025

    3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China

    April 4, 2025

    Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS

    February 5, 2025
    Facebook Twitter Instagram
    Trending
    • Internet voting pinatitigil sa SC
    • 3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China
    • Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS
    • Mercado bagong PhilHealth Presidente.; Nerez itinalagang PDEA chief
    • VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
    • Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
    • PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
    • Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
    Facebook Twitter Instagram YouTube
    Starvision NewsStarvision News
    Subscribe
    Friday, July 18
    • HOME
    • WORLD
    • PHILIPPINES
    • BAHRAIN
    • GULF
    • Entertainment
    Starvision NewsStarvision News
    Home»PHILIPPINES»TESDA, nagbabala sa publiko vs mga nagbebenta ng nat’l certificates
    PHILIPPINES

    TESDA, nagbabala sa publiko vs mga nagbebenta ng nat’l certificates

    News DeskBy News DeskJune 28, 2023Updated:June 28, 2023No Comments2 Mins Read
    Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    Share
    Facebook Twitter LinkedIn Pinterest Email

    Nagbabala ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa publiko hinggil sa mga nagbebenta ng pekeng national certificates (NCs) at sinabing hindi “for sale” ang naturang dokumento.

    Ang naturang babala ng TESDA ay matapos maiulat kamakailan ang pag-aresto sa isang lalaki sa Cotabato City na nagbebenta ng mga pekeng NC at driver’s license.

    Sa isang pahayag, ipinaliwanag ni newly appointed TESDA Director General, Secretary Suharto Mangudadatu, na ibinibigay lamang ng mga tanggapan ng TESDA ang NC sa mga kwalipikadong indibidwal na nakapasa sa assessment para sa kani-kanilang kwalipikasyon. 

    “When issued, these NCs are valid for five years,” anang TESDA.

    Maaari umanong ma-access online ang Registry of Certified Workers ng TESDA sa pamamagitan ng website ng ahensya na https://www.tesda.gov.ph/Rwac.

    Ang mga NC ay nirerequire ng mga employer sa lokal at sa ibang bansa bilang patunay ng mga kasanayan at abilidad ng mga manggagawa na magsagawa ng trabaho.

    “TESDA prioritizes the integrity of its certification system in certifying middle-level workers to ensure their productivity, quality, and global competitiveness,” ani Mangudadatu.

    Samantala, maaari umanong mag-apply ang mga mag-aaral, manggagawa, o sinumang indibidwal na gustong makakuha ng NC sa mga pribadong TESDA-accredited assessment centers, at sa TESDA Regional at Provincial Offices. 

    “A complete list of assessment centers is also available online (https://www.tesda.gov.ph/AssessmentCenters/),” anang TESDA.

    “The requirements for assessment include: a duly accomplished application form; 3 passport-size pictures with the name of the applicant written at the back of each picture; and a duly accomplished Self-Assessment Guide,” dagdag nito.

    Pinayuhan naman ni Mangudadatu na maaaring mag-verify ang certified workers at employers ng authenticity ng mga NC online. 

    Hinikayat din ng TESDA director general ang publiko na i-report sa TESDA ang sinumang indibidwal na maaaring nagbebenta ng mga pekeng NC sa pamamagitan ng hotline ng Agency na 8887-7777, o sa pamamagitan ng SMS na 0917-479-4370.

    Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    News Desk

    Related Posts

    Internet voting pinatitigil sa SC

    April 4, 2025

    Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS

    February 5, 2025

    Mercado bagong PhilHealth Presidente.; Nerez itinalagang PDEA chief

    February 5, 2025
    Add A Comment

    Comments are closed.

    Editors Picks
    8.5

    Apple Planning Big Mac Redesign and Half-Sized Old Mac

    January 5, 2021

    Autonomous Driving Startup Attracts Chinese Investor

    January 5, 2021

    Onboard Cameras Allow Disabled Quadcopters to Fly

    January 5, 2021
    Top Reviews
    9.1

    Review: T-Mobile Winning 5G Race Around the World

    By cinideep
    8.9

    Samsung Galaxy S21 Ultra Review: the New King of Android Phones

    By cinideep
    8.9

    Xiaomi Mi 10: New Variant with Snapdragon 870 Review

    By cinideep
    Advertisement
    Star Vision
    Starvision News
    Facebook Instagram YouTube Twitter
    • Home
    © 2025 Star Vision. Designed by Star Vision Global.

    Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.