Subscribe to Updates
Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.
- Internet voting pinatitigil sa SC
- 3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China
- Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS
- Mercado bagong PhilHealth Presidente.; Nerez itinalagang PDEA chief
- VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
- Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
- PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
- Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
Author: News Desk
Isang dating hepe ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y tumanggap ng suhol para tulungang makalabas ng bansa sina dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo at ang kanyang mga kapatid kahit na nasa ilalim na sila ng immigration lookout bulletin. Sa pagpapatuloy ng padining ng Committee on Women, Children, Family Relations at Gender Equality tungkol sa mga ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) tinanong ni Sen. Risa Hontiveros ang mga opisyal ng law enforcement agencies kung may bagong detalye tungkol sa sinasabing P200 milyon na suhulan. “Kapani-paniwala ba ‘yung ganyang impormasyon na meron daw mataas na BI official na…
Tinapyasan ng P1.3 bilyon ng House Committee on Appropriations ang P2.037 bilyong panukalang pondo ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2025. Ayon kay Marikina City Rep. Stella Quimbo, Senior Vice Chairperson ng House Committee on Appropriations, bumoto ang mayorya ng mga miyembro ng komite na bawasan ang pondo ng OVP kaya P733 milyon na lamang ang matatanggap ng tanggapan ni Sara taliwas sa pahayag nitong kundi piso ay zero budget. “Ang Committee on Appropriations has 139 members and with respect to the budget cut of the OVP, ito po ay naging unanimous decision among the members. At…
Umaabot na sa 203 mga barko at iba pang uri ng sasakyang pandagat ang idineploy ng China sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS) mula nitong huling bahagi ng Agosto hanggang nitong Setyembre 2, ayon sa Philippine Navy nitong Martes. “This is the highest we have recorded in the vicinity of our 9 occupied features in WPS for this year. While it is not normal, it is within the range of the capability they could project in the South China Sea /WPS. We can attribute the surge to the attention given to Sabina/Escoda Shoal in the last few weeks,”…
“Please naman, nanawagan ako, sumuko ka na. Dahil klaro naman ang sinasabi mo, you are deemed to be innocent until your guilt is proven in court.” Ito ang apela ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos kay Pastor Apollo Quiboloy na patuloy na nagtatago sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City. Ginawa ni Abalos ang apela sa ikapitong araw ng search operation ng PNP kay Quiboloy na nahaharap sa kasong human trafficking, child sex trafficking, fraud and coercion at bulk cash smuggling. Simula nang ilunsad ng PNP ang manhunt noong Agosto 24 sa…
Hinikayat ni dating presidential legal counsrl Salvador Panelo si dating pangulong Rodrigo Duterte na tumakbong Bise Presidente sa 2028 para maging running mate ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte. Sinabi ni Panelo sa isang pulong balitaan na regular silang nag-uusap ng dating pangulo at isa siya sa nagsusulong ng Duterte-Duterte tandem sa 2028. Payo rin aniya sa dating pangulo na tumakbo munang mayor dahil kailangan siya sa Davao at pagkatapos sa 2028 ay tumakbo siyang bise ng anak na si VP Sara. Tiyak din aniya na pag Duterte-Duterte ay babalik lahat ng bumaliktad sa kanila dahil napakalakas…
Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na muling nagsagawa ng dangerous maneuver ang barko ng China Coast Guard nang banggain ang BRP Teresa Magbanua na nakadaong sa Escoda Shoal nitong Sabado. Ayon kay Commodore Jay Tarriela, spokesperson for The West Philippine Sea, sinadya o intentional ang ginawang pagbangga ng CCG 5025 nang mag-maniobra na nagresulta sa direktang pagbangga sa unahang bahagi ng BRP Teresa Magbanua. Binalewala aniya ng CCG ang collision regulation nang banggain ang MRRV 9701 o ang BRP Magbanua sa starboard quarter nito. Gayunman, walang nasaktan sa sakay ng BRP Magbanua, habang bahagyang napinsala ang barko. Pinaniniwalaang nagtamo…
Pinahintulutan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman ang pagpapalabas ng karagdagang P3.681 bilyong pondo sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para mapanatili ang pagpapatupad ng Free Public Internet Access Program (FPIAP) sa buong bansa. “Tuloy na tuloy po ang ating free Wi-Fi Program. By approving this additional budget within our calibrated fiscal program, we reaffirm our commitment to prioritizing inclusive and accessible internet for all,” pahayag ni Sec. Mina. “As mandated by President Ferdinand R. Marcos Jr., we will ensure that every citizen, saan mang sulok ng Pilipinas, makikinabang sa ating digital…
Sukdulang pumatay, iniutos umano ni dating PNP chief at ngayon ay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na burahin o linisin ang illegal na droga sa Albuera, Leyte at Ozamiz City, Misamis Occidental. Ayon kay Lt. Col. Jovie Espenido sa Quad Committee ng Kamara, noong umupo siya bilang hepe ng pulisya sa Albuera, Leyte tinawagan siya ng noo’y PNP chief at inatasan na isakatuparan ang nasabing misyon. “Ang instruction lang na tulungan mo ako Jovie, at saka si President Duterte, about this war against illegal drugs, so dapat galingan mo ah, ikaw ang i-assign ko as chief of police ng Albuera,…
Tiwala ang Philippine National Police (PNP) na bilang na ang araw ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy na pinaniniwalaang nagtatago sa underground bunker ng KOJC Compound matapos na ma-detect ang ‘heartbeat’ nito. Ayon kay PNP Region XI spokesperson Catherine Dela Rey, na-detect ang heartbeat ni Quiboloy matapos na gamitin ng PNP ang kanilang ground-penetrating radar sa underground bunker na nasa KOJC compound. Sa ngayon aniya, hinahanap nila ang pasukan ng bunker. “As of now, what we’re really looking for is the entrance to the bunker because the life detection device we used has positively detected heartbeats underground,”…
Matapos ang 24 oras, pinalaya na sa detention facility ng Kamara si dating Presidential spokesperson Harry Roque matapos patawan ng contempt dahil sa pagsisinungaling sa Quad Committee (Quad Comm) ng Kamara. Ang paglaya ni Roque kamakalawa ng gabi ay kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco matapos itong ipaabot sa kaniya ni House Sergeant-at-Arms Napoleon Taas. Si Roque ay nadetine noong Huwebes ng gabi matapos magsinungaling sa Quad Comm na mayroon umano siyang dadaluhang pagdinig noong Agosto 16 sa Manila Regional Trial Court (RTC) pero nadiskubreng hindi totoo. Ikinatwiran naman ni Roque na “honest mistake” lamang ito matapos malito nguniy…